Sunday, September 29, 2013

96 kandidato, napatay bago pa ang barangay polls

Ngayong umaabot na sa 96 ang nasasawi sa karahasang may kinalaman sa barangay elections sa Oktubre 28, sinabi kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na umaasa itong mailalatag ang mga kinakailangang pagbabantay upang maiwasan ang mga kaparehong karahasan.



Sinabi ni Comelec Commissioner Grace Padaca na dapat na paigtingin ng pulisya ang kampanya nito laban sa mga ilegal na baril upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang papalapit ang barangay elections.


“So sana ‘yun kanilang campaign against loose firearms malaman din ng public para mabawasan ang casualties,” sabi ni Padaca.


Nagpahayag ng pagkabahala si Padaca sa karahasan sa eleksiyon makaraang makapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 47 kakandidatong barangay chairman at 49 na kakandidatong kagawad na napatay bago pa man ang halalan sa susunod na buwan.


Ayon sa pulisya, ang nasabing kabuuang bilang ng mga insidente ay naitala mula Enero hanggang Setyembre.


Bagamat may record ang PNP sa mga kakandidato na napatay, sinabi ni Padaca na kailangan pa ring mavalidate ang mga ito at hindi maaaring ikonsidera na lahat ay may kinalaman sa eleksiyon.


“This is not necessarily election-related violence kasi hindi pa pumapasok ito sa election period,” ani Padaca.


Ikinumpara ang nasabing mga kaso noong 2010, sinabi ni Padaca na may 12 barangay chairman at 10 kagawad ang napatay na may kinalaman sa eleksiyon.


Nagsagawa na ng command conference ang Comelec sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang talakayin ang ipatutupad na seguridad sa barangay polls.


Tinalakay din sa pulong ang mga lugar na dapat ikonsiderang hotspots. – Raymund F. Antonio


.. Continue: Balita.net.ph (source)



96 kandidato, napatay bago pa ang barangay polls


No comments:

Post a Comment