Saturday, September 28, 2013

Bersamina, Samantila, Presente, nagpasiklab agad

Agad nagpamalas ng matinding pag-iisip sina Paulo Bersamina ng Pasay City, Daryl Unix Samantila ng Malabon at Juan Carlos Presente ng Bulacan sa pagwawagi sa kanilang laban kontra sa mga pinapaborang woodpushers sa 2nd 2013 National Youth Chess Championships Standard Competition.



Binigo ni Bersamina si Hoard Tucker Viernes matapos ang 33 moves ng Sicilian Defense, Dragon Variation habang tinalo ni Samantila si Daniel John Lemi sa loob ng 29 moves ng French Defense sa ginaganap na torneo sa loob ng Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., sa Vito Cruz, Manila.


Pinadapa naman ni Presente si Jerome Cabunagan sa loob ng 24 moves ng King’s Pawn Game upang patatagin ang puwesto sa torneo na para sa 15- anyos pababa at isa sa posibleng basehan sa pagpili ng asosasyon na ipadadala sa 2014 Youth Olympic Games sa Nanjing, China.


Unang tinalo ni Bersamina si Romeo Canino sa unang araw ng torneo noong Biyernes, habang binigo ni Samantila si Tristan Jared Cervero. Nagwagi din si Presente kontra kay Allan John Olivete. Ang iba pang may perpektong karta na 2.0 puntos ay sina Eder De Jesus Jr., Carlo Caranyagan, Brylle Gever Vinluan, John Marvin Miciano, Jayson Levin Tapia, Carl Terence Valdellon, Robin Ignacio, Stephen Rome Pangilinan, John Fleer Donguines at Jayson Danday.


Ang magwawagi sa iba’t ibang age category ay tatanggap ng cash prize at medalya sa nag-oorganisang National Chess Federation of the Philippines sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.


Inatasang mangasiwa sa torneo sina NCFP Executive Director GM Jayson Gonzalez kung saan si International Arbiter Gene Poliarco ang nagsilbi namang chief arbiter. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bersamina, Samantila, Presente, nagpasiklab agad


No comments:

Post a Comment