Monday, September 30, 2013

Hatol sa kaso ni Michael Jackson, babaguhin ang entertainment business

LOS ANGELES (Reuters) — Ang wrongful death lawsuit na inihain ng pamilyang ng namayapang pop star na si Michael Jackson laban sa kanyang concert promoter ay nasa kamay na ngayon ng jury, at ang hatol nito ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtransaksiyon ng entertainment industry sa pinakamalalaking bituin nito.



Ang 21-linggong paglilitis, na nagbukas ng pintuan sa pribadong buhay at mga huling araw ng King of Pop, ay lumitis sa concert promoter na AEG Live at maging sa live-performance business model ng entertainment industry, sinabi ng mga analyst.


Matapos isara ang argumento noong Huwebes, ipinatawag ng hukom ang jury para sa diskusyon at hatol na inaasahang ilalabas ngayong linggo. Ipinahiwatig ng pamilya Jackson sa mga dokumento sa korte na ang mga dokumento ay maaaring lumagpas sa $1 billion.


“If AEG is found liable, that puts these companies on the line for millions and billions of dollars, and it is already causing the industry to rethink how the structure is set up,” sabi ni Jo Piazza, may-akda ng Celebrity, Inc. at isang celebrity branding consultant.


Sa kasalukuyan, ang entertainment producers ay karaniwang nagbabayad ng up-front sums na inaabot ng milyun-milyong dolyar sa performers kapalit ng pagkakaroon ng mas malawak na kontrol sa ilan sa mga gawain ng performers.


Nakasaad sa lawsuit na ang “AEG came to control much of Jackson’s life. The home Jackson lived in was provided by AEG; his finances were dependent on AEG, and his assets stood security if he failed to perform.”


Ang verdict “could have a chilling effect on how much micro-management of a star’s life companies like AEG and other production companies have,” sabi ni Piazza.


“But the reason the micro-management even exists is to make sure that the celebrities, the talent, is in the best position possible to make money for the production company,” dagdag niya.


Ang uri ng pagkokontrol na ito ang sentro ng wrongful death lawsuit na inihain ng ina ni Michael na si Katherine Jackson, at ng kanyang tatlog anak.


PROFITS AND RISKS

Sa reklamo, sinabi ng pamilya ni Michaek na ang AEG Live, isa sa world’s top concert promoters, at naging pabaya sa pagkuha sa cardiologist na si Conrad Murray bilang personal physician ni Michael at binalewala ang mga senyales ng mahinang kalusugan ng singer.


Namatay ang Thriller singer noong 2009 sa Los Angeles sa edad na 50 sanhi ng overdose sa surgical anesthetic na propofol.


Ikinatwiran ng AEG Live na si Michael ay lulong na sa prescription drug at ilang taon nang sugapa bago pumasok sa anumang kasunduan sa kumpanya. Sinabi rin nitong hindi nito kinuha o sinubaybayan si Murray at hindi naisip na ang doktor ay magiging mapanganib para sa singer.


“They (AEG Live) chose to run the risk and make a huge profit,” sabi ng abogado ng pamilya Jackson na si Brian Panish sa closing arguments nito.


“The industry is watching and waiting and seeing very much how this plays out,” sabi ni Jody Armour, law professor sa University of Southern California na dalubhasa sa personal injury claims. “It could have a deterrent effect on corporations going forward, and how much and how aggressively they push entertainers to meet their contractual obligations.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hatol sa kaso ni Michael Jackson, babaguhin ang entertainment business


No comments:

Post a Comment