Saturday, September 28, 2013

Mabait, kakasa vs Mexican champ

Sa kanyang unang laban sa ibayong dagat, masasabak agad si WBO 9 junior bantamweight contender Marvin Mabait kontra kay WBC Latino super flyweight champion Johnny Garcia sa 12-round bantamweight bout sa Oktubre 11 sa Mexico City, Mexico.


Sinabi sa Philboxing.com ng manedyer ni Mabait na Amerikanong si Vinny Scolpino na tiyak na aangat sa world rankings ang Pinoy boxer kung kumbinsidong mananalo laban sa Mexican.



May kartadang 18-4-1 (win-loss-draw) na may 9 panalo sa knockouts, si Garcia ay kumasa at natalo sa 11th round knockout sa paghamon kay WBO super flyweight champion Omar Andres Narvaez ng Argentina noong 2012.


Maganda naman ang rekord ni Mabait na 18-1-2 (win-loss-draw) na may 12 pagwawagi sa knockouts at masaya siya sa unang pagsabak sa ibang bansa.


“Natutuwa po ako kasi nabigyan agad ako ng break dito. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para manalo sa labang ito,” sinabi ni Mabait na nagsasanay ngayon sa ilalim ni Nonito Donaire Sr. sa The Kennel Boxing Gym sa San Leandro, California.


Nakatakda siyang dalhin ni Donaire Sr. sa Oxnard, California para magsanay kasama ng anak nitong si Nonito Donaire Jr. na muling kakasa kay three-division world champion Vic Darchinyan ng Australia.


“He is training hard with coach Nonito and will have sparring with Nonito Jr.,” dagdag ni Scolpino. – Gibert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mabait, kakasa vs Mexican champ


No comments:

Post a Comment