Nakibahagi ang ilang banyaga na mula sa Korea, China at United Kingdom sa isinasagawang Philippine Sports Commission (PSC) Play and Learn, Laro’t Saya grassroots development at health and fitness family bonding program sa Quezon City Memorial Park at Burnham Green sa Luneta Park noong Sabado at kahapon.
Ikinatuwa ng limang Koreana at dalawang Englishman ang sports program ng ahensiya ng gobyerno na libreng isinasagawa para sa pagtuturo ng iba’t ibang sports sa parke, partikular ang kinahihiligan nilang aerobics kung saan ay mas mabilis silang pagpawisan.
“Actually, iyong isa lang muna ang nag-join tapos nang malaman niya na libre ang pagsasagawa dito ng sports, laluna na iyong aerobics, ay nagsama na siya ng mga kaibigan niya,” sinabi ni PSC Play and Learn Project manager Dr. Lauro Domingo Jr.
“Iyong isa naman na mula UK ay akala niya noong una ay may bayad pero nang nalaman niya na walang babayaran ay sumali na rin siya. Iyon namang Chinese ay tuwang-tuwa na kumuha ng mga picture at videos dahil nalaman din niya na iba’t ibang sports activities ang ginaganap sa park,” sinabi pa ni Domingo.
Umabot naman sa kabuuang 334 ang sumali sa aktibidad noong Sabado kung saan ay kinabilangan ito ng aerobics (266), arnis (18), badminton (31), football (12) at taekwondo (7).
Mayroon namang 277 nagpartisipa kahapon kung sa aerobics ay mayroong 174, arnis (15), badminton (20), chess (13), football (30), karatedo (5) at volleyball (20). – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment