Monday, September 30, 2013

Napaslang na rebelde, ‘di si Commander Malik – PNP

Ni Aaron Recuenco


Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na ang bangkay na natagpuan na may taglay ng identification card ni Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Ustadz Habier Malik ay hindi ang rebel leader na tinutugis ng militar.



“We found out that it’s not Malik. So right now, we are looking for him and we are trying to find out if he is among those who were killed,” said Purisima.


Si Malik, na kilalang tauhan ni MNLF founding chairman Nur Misuari, ang itinuturong namuno sa mga rebeldeng Moro nang okupahin ang Zamboanga City. Mayroon ding lumutang na impormasyon na malubhang nasugatan si Malik sa inilunsad na opensiba ng military subalit walang naipalalabas na kumpirmasyon ang awtoridad hinggil dito.


Handa rin aniya ang PNP na isalang ang bangkay ng napaslang na rebelde sa DNA test upang patunayan na hindi ito si Malik.


Samantala, nagsimula nang mag-alisan ang mga sundalo na nakatalaga sa war zone sa baybayin ng Zamboanga City upang bigyang daan ang all-out clearing operation ng pulisya laban sa natitirang puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF).


Sinabi ni Chief Insp. Ariel Huesca, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Regional Police Office, na naatasan sila na suyurin ang lugar na inokupa ng MNLF-Misuari faction ng mahigit sa dalawang linggo.


“The police are already in charge of the clearing operations. And based on the assessment, it will take two weeks before we complete our task,” sinabi ni Huesca.


“But the soldiers were not actually pulled out of Zamboanga City, they were just assigned to help us in preventing local residents from going back to their homes,” paliwanag ni Huesca.


Bahagi ng clearing operation ay ang paghahanap sa mga hindi sumabog na bomba at booby trap na itinanim ng mga nagsitakas na MNLF rebel sa mahigit sa 100 ektaryang lugar na inokupa ng mga rebelde.


“After the clearing, we will turn over the area to the local government for the start of the rehabilitation,” sinabi Huesca.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napaslang na rebelde, ‘di si Commander Malik – PNP


No comments:

Post a Comment