Ni Nora Calderon
NAPAKALAKING taon ng 2013 para sa Reel Time. Kasabay ng patuloy na paghahatid ng mga pelikula ng totoong buhay tuwing Linggo ng gabi, ngayong taon nito tinanggap ang kaliwa’t kanang parangal sa loob at labas ng bansa.
Iginawad ngayong taon sa Reel Time ang George Foster Peabody Award, ang pinakamataas na pagkilala sa buong mundo sa larangan ng telebisyon para sa dokumetaryong “Salat.” Ito ang unang Peabody Award ng GMA News TV at ang ikatlong Peabody Award ng GMA Network at ng Pilipinas.
Itinanghal din ang Reel Time bilang grand prize winner sa Asia Pacific Child Rights Award at Outstanding Televised Feature Story on Youth sa Lasallian Scholarum Awards at nakapag-uwi ng Silver World Medal for TV Documentary mula sa New York Festivals Award. Ang Reel Time din ang tanging entry mula sa Pilipinas na itinanghal bilang finalist sa prestihiyosong International Gold Panda Awards for Documentary.
Bukod sa mga parangal, kinilala rin ang Reel Time bilang Offi cial Selection sa ilang international fi lm festivals tulad ng Aljazeera International Documentary Film Festival sa Doha, Qatar at UNHCR Refugee Film Festival sa Tokyo, Japan.
Kalakip ng bawat kuwento ang mga karakter na tumatak at minahal ng mga manonood. Bukod sa paghahangad ng Reel Time na maipalabas ang mga kuwento ng mga ating mga kababayan, nagsisilbi rin itong tulay para sa mga nais tumulong. Sino nga ba ang hindi naantig sa kuwento ni Maribel sa Nibulaysir? Kumusta na nga ba si Dungkoy at ang kanyang lola? Nagbago na nga ba ang buhay nina Mary Rose ng “Salat”? Nabigyan na nga ba ng atensiyong medikal si Aldrin ng Jomalig? Maraming ipinagpapasalamat ngayong taon at marami ring mga kuwento na nararapat at balikan. Ngayong Linggo ng
2013, samahan ang Reel Time sa pagsariwa sa mga kuwentong nagpatawa’t nagpaiyak, umantig at nagpakilig, mga kuwentong tumatak at nagmulat sa marami, ngayong 9:00 ng gabi sa GMA News TV.
Samantala, sasariwain din ang mga hindi malilimutang kuwento, naggagandahang lugar, mga isyu at mga nag-trend sa Internet sa huling bahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho Yearend Special ngayong gabi, 7:30 PM.
Tampok ang mga kuwento tungkol sa sirena, wonder dog, clyclopia, at maging si Claudia Zobel, ang aktres na pumanaw halos tatlong dekada na ang lumipas pero nadiskubreng buo pa ang katawan. Balikan din ang mga lugar na siguradong magpapangiti at mapapamangha ang marami tulad ng Universal Studios at Enchanted River. Babalikan din ang videos nina Elevator Girl, Totoy Brown at Mais Vendor Gimme Gimme na pumatok sa internet. Sasariwain din ng KMJS ang mga pangyayari, isyu at mga trahedyang buong tapang na hinarap ng mga Pilipino.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment