Anim na katao ang nasawi at limang iba pa ang nasugatan matapos sumalpok ang isang Suzuki multipurpose van sa isang pampasaherong bus sa Luban, Sorsogon, kahapon ng madaling araw.
Bilang patunay na sobrang bilis ang sasakyan, sinabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib na dead on the spot ang limang pasahero ng MPV (TGO-350).
Nasugatan din ang driver ng Fortune Bus (UVB-943) na si Danilo Montefalcon, ayon sa pulisya.
Kinilala ang limang nasawi na sina Rosalito Malig, driver ng MPV; Alfredo Manansala; Jaime Malabanan; Levy Erasga; at Vicente Clarito; pawang residente ng Calamba City, Laguna.
Lumitaw sa imbestigasyon na patungong Maynila ang MPV nang salpukin nito ang pampasaherong bus na patungong Matnog port. Ang bus ay biyaheng Tacloban City sa Leyte.
“Based on the result of the investigation, there is an indication that the driver of the MPV might have fallen sleep,” sabi ni Calubaquib. – Aaron B. Recuenco
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment