Monday, December 30, 2013

Kid Molave, naghari sa Juvenile C’ship

Sariling kinoranahan ng Kid Molave ang napakahirap na 2-year-old race sa pagkubra ng 2013 Philracom Juvenile Championship noong nakaraang Linggo sa dinumog na MetroTurf, ang tahanan ng Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.



Matapos pumosisyon mula sa striking distance sa mga nanguna, nagsagawa ang 2-year-old island-born bay colt ng Into Mischief sa labas ng Unsaid ng matinding pagarangkada mula sa outer rail sa far turn kung saan ay inungusan nito ang nangungunang Skyway at Barcelona.


Matagumpay na sinunggaban nito ang unahan sa maalikabok na arangkadahan mula sa kanyang mga matitinding

kalaban patungo sa payoff wire na kaakibat ang three-length lead.


Ang panalo ng Kid Molave ang nagkaloob sa nakalululang P1.5-million premyo para sa mayari na si Manny Santos, iprinisinta ng kanyang stable manager na si Valentino Yu sa ginanap na awarding ceremony.


Isa na naman itong nakakalulang payoff para kay Santos (nasa ibang bansa) matapos na kunin ng Kid Molave ang P1.8-million nang pagwagian ang 2013 Philtobo 2- Year-Old Championship sa kaagahan ng buwan na ito.


“Doon pa lang ho sa far turn alam ko nang mananalo na kami dahil marami pa ‘yung kabayo ko. Dito ho sa straight medyo nag-ease off na ako dahil malayo na kami,” saad ng winning rider na si Jonathan Hernandez.


Pinalitan nito si jockey Jesse Guce (ang Jockey of the Year na pinili ng Philippine Sportswriters’ Association para sa 2013) na mas piniling sakyan ang kanyang regular stable’s entry na Barcelona. Napasakamay nito ang ikalawang puwesto at premyong P562,500.


“Masaya ako sa naging resulta ng aming paghihirap sa kabayong ito. Sana naman ay magpatuloy pa ang aming suwerte sa susunod na taon para naman sa Triple Crown,” ayon kay winning trainer Egoy Hipolito matapos tanggapin ang tropeo.


Pumangatlo ang longshot Castle Cat, inayudahan ng hineteng si Chris Garganta kung saan ay nabiyayaan sila P312,500 habang ang fourth placer ay ang Skyway, ang top favorite na minanduhan ni Mark Alvarez, ay kumubra ng P125,000.


Ang finishers para sa 1,600-meter championship race ay ang Kukurukuku Paloma, Mr. Bond, Hello Patrick, The Lady Wins, Up And Away, Fairy Star, High Grader, Mabsoy, Matang Tubig at Love Na Love, ayon sa pagkakasu nod.


Sina Philracom commissioners Jess Cantos, Lyndon Guce at Eddie Jose ay inasistihan ni MMTCI senior vice president Rudy

Prado sa paggawad ng mga tropeo.


Ang whole-day races, suportado ng 12 Trophy Races at inisponsoran ng MetroTurf’s friends, ay sadyang naging matagumpay na nakakalap ng nakalululang P37.3-million kita.


“We would like to thank all those who supported the races at the MetroTurf. Although we had just started operating last February, the support we get from all sectors of the industry – from the owners, trainers, jockeys, racing aficionados and many others – is really tremendous. And we would like to express our wholehearted gratitude to all of you!” saad ni Prado


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kid Molave, naghari sa Juvenile C’ship


No comments:

Post a Comment