NOONG Nobyembre 30, 2013, nag-anunsyo ang Social Security System (SSS) na ang halagang 7-bilyong pisong Educational Assistance (Educ-Assist) loan window, nakapagbigay ng alokasyon sa halos 59,600 na student beneficiaries at mahigit 55,000 SSS members sa pansariling Educ-Assist loans.
May kakayahan ang Educ-Assist loan program sa kanyang funding capacity. Ang disenyo ng programa ay para sa mga estudyante na nakikinabang sa kasalukuyan at masiguro ang kanilang pag-aaral ay tuluyang maitataguyod nang buong-buo, hanggang sa sila ay makatapos ng kanilang pag-aaral. Habang may pondo, tuloy-tuloy na ipoproseso ng SSS ang naaprubahang loan hang-gang sa maximum allowed releases para sa benepisyaryong estudyante.
Noong 2012 inilunsad ang Educ-Assist program, P3.5 bilyon mula sa national government at P3.5 bilyon mula sa SSS. Nakatuon bilang revolving fund ang 7 bilyon piso para pakikinabangan ng mas maraming borrowers. Ang halaga ng loan ay makokolekta at maibabalik pa ng ilang taon, sapagkat, karamihan sa mga loan beneficiary ay kailangan na makatapos muna ng kanilang pag-aaral. Ang mga kaanib na nag-apply ng voc-tech ay may 3 taon at 5 taon naman para sa college degree.
May itinakdang panahon ang SSS kung kailan sila’y magsisimula nang magbayad at may grace period bago ang pagbabayad (18 buwan para sa mga semestral course at 15 buwan para sa trimestral programs) ay mag-uumpisa sa petsa ng final loan release.
Labis nasisiyahan ang SSS dahil marami sa mga kaanib, sinamantala ang pagkakataon ng loan program, upang mapabuti ang kanilang mga sarili, pati na ang kanilang mga kapatid at mga anak, sa pamamagitan ng pag-kakaroon ng edukasyon.
Umaasa ang SSS na ang mga member borrower ng Educ-Assist program sa kanilang responsibilidad na bayaran ang kanilang loans sa tamang oras, nang sa gayon ay makapag-avail din ang iba pang kaanib na nais mag-loan at makapag-aral.
The post P7-BILYON PARA SA SSS EDUCATIONAL LOAN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment