Monday, December 30, 2013

BETs tatanggap ng dagdag P300 allowance

MAKATATANGGAP ng karagdagang P300 ang lahat ng mga guro na naglingkod bilang board of election tellers o BET sa nagdaang barangay elections noong oktubre.


Ito ay matapos aprubahan at bigyan ng “go signal” ng Department of Budget and Management ang Commission on Elections para maglabas ng pondo at bayaran ng karagdagang P300 ang mga gurong tumupad ng tungkulin sa halalan.


Nabatid kay Comelec Spokesperson James Jimenez, na kanila nang inihahanda ang payroll ng mga guro upang mabigyan ng karagdagang honorarium.


Halagang P2,000 na honorarium ang natanggap ng mga BET noong Oktubre, at karagdagang P500 na transportation fee mula sa LGUs.


The post BETs tatanggap ng dagdag P300 allowance appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BETs tatanggap ng dagdag P300 allowance


No comments:

Post a Comment