Monday, December 30, 2013

Sariling aning prutas, ihain sa Bagong Taon

HIMOK NG AGRICULTURE DEPARTMENT

Ni Ellalyn De Vera


Umapela ang Department of Agriculture (DA) sa mga Pilipinong konsumidor na nagbabalak mamili ng mga bilugang prutas para sa Bagong Taon na tangkilikin ang mga lokal na ani.


“By buying fruits that are planted, cultivated, harvested and sold locally, we help our own farmers earn more from their hard work, and at the same time, encourage more production of these commodities,” sabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala.



“After all, locally-grown round fruits abound, and they are as good, if not better, than the imported ones in terms of taste and nutritional value,” dagdag niya.


Naging tradisyon na sa mga Pilipino ang maghanda ng isandosenang pampasuwerteng bilugang prutas sa media noche o New Year’s eve midnight feast. Kaugnay nito, isinuhestyon ng DA na bilhin ng mga konsumidor ang mga lokal na prutas gaya ng rambutan, guyabano, atis, caimito, coconut, lanzones, bayabas (guavas), mabolo, dalandan (native oranges), pineapple, melon at chico.


Maaari ring piliin ng mga konsumidor ang mga prutas ng Davao gaya ng pomelo at mangosteen, o ang mas exotic na uri na tinatawag na sapinit na tinaguriang “Pinoy wild raspberry.”


Isinusulong ng DA ang pagpapalakas sa pagkonsumo ng mga prutas at gulay, upang mapabuti ang nutritional condition ng mamamayang Pilipino. Ipinakikita sa bagong nutritional data na pakonti nang pakonti ang kinakaing gulay at prutas ng mga Pilipino simula 1978 hanggang 2008, sa average per capita consumption ng gulay na nasa 110 grams (bumaba mula sa 145 grams noong 1978), at prutas sa 54 grams (mula sa 104 grams noong 1978.)


Inilabas noong Disyembre 2012 ng National Statistical Coordination Board, isinusuhestyon rin ng survey na ang konsumo ng bansa sa gulay at prutas ay kabilang sa pinakamababa sa buong Asia.


Inirerekomenda ng World Health Organization ang daily intake ng 400 grams ng gulay at prutas bawat tao (150 kilograms bawat taon) upang makatulong na maiwasan ang kakulangan sa vitamins and minerals gayundin ang sakit sa puso, ilang

cancer, diabetes, katabaan at ang mga tinatawag na lifestyle diseases.


Bilang bahagi ng kanyang High Value Crops Development Program, nakatuon ang DA sa productivity enhancement, research and development, organic farming, post-harvest training, value adding and processing, at market access of fruits, vegetables at iba pang high value commodities kapwa sa lokal at pandaigdigang merkado.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sariling aning prutas, ihain sa Bagong Taon


No comments:

Post a Comment