Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya nayari tanang mga bagay… May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa Liwanag… Hindi iyon ang Liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Sa sariling kanya siya pumarito at hindi siya tinanggap ng mga kanya… At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos siya ng Kagandahang-loob at Katotohanan.
PAGSASADIWA
Naging laman ang Wikang-Salita, at itinayo ang kanyang tolda sa atin. ● Ito ang ipinapahayag ng Mabuting Balita. Hindi malayo ang Diyos sa buhay natin. Siya ay kasama natin. Siya ay katulad natin maliban sa pagkakasala. Sa pagiging tao ng Diyos, ang tao at ang buong mundo ay napuno ng biyaya ng Diyos. Sa hiwaga ng kanyang pag-ibig, tayo ay nakibahagi sa kanyang pagka-Diyos. Ito ang napakadakilang karangalan ng bawat tao. Sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, bigyan natin ng pansin ang halaga ng bawat tao. Bawat tao, mahalaga sa Diyos!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment