Sunday, December 29, 2013

PAGGUNITA KAY DR. JOSE RIZAL

DISYEMBRE 30, pulang araw sa atin sapagkat ginugunita ang kamatayan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Sa makasaysayang lalawigan ng Rizal, na sa kanya hinango ang pangalan, isang joint commemoration ng pamahalaang panlalawigan at panglunsod ng Antipolo ang gagawin sa Kapitolyo. Pangungunahan nina Rizal Gob. Rebecca “Nini” Ynares at Antipolo City Mayor Junjun Ynares III, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga department head ng Kapitolyo. Ang tema o paksa ng paggunita ngayong 2013: “Buhay si Rizal sa Isip, Puso at gawa ng mamamayang Rizalenyo”.


Ang magkasamang paggunita ay tatampukan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ng ating pambansang bayani kasunod ang isang makahulugang programa na sasariwa sa kagitingan at pagkamakabayan ni Dr. Jose Rizal. Tampok na panauhing tagapagsalita si Propesor Ver Esguerra, dating Supreme Commander ng Knights of Rizal, naging provincial

board member at provincial administrator; at si Gng. Lourdes Tabuena, coordinator sa Araling Panlipunan ng DepEd Antipolo. Magbibigay rin ng kanyang mensahe si Rizal Gob. Nini Ynares.


Sa kalawakan ng karunungan ni Dr. Jose Rizal ay naging bahagi na siya ng mga mahalagang bagay at pangyayari sa ating kasysayan. Kalaban siya ng mga katiwalian at kasamaan sa pamahalaan. Isang sakit na sa paglipas ng panahon hanggang sa ngayon ay sumisira sa pinakaugat ng ating lahi at batik sa magandang mukha ng Perlas ng Silangan. Sa kanyang political novel na “El Filibusterismo”, binanggit ni Rizal na ang mga tulisan sa mga bayan at lungsod ay higit pang masama kaysa sa mga tulisan sa bundok. Sa ating makabagong panahon, ang mga tulisan ngayon ay ang mga mandarambong ng

pondo ng bayan na nasa pamahalaan.


Naniniwala ang ating pambansang bayani na ang mga tao, anuman ang kulay, paniniwala at kalagayan sa buhay, ay dapat magkaisa sa paghahanap ng pandaigdig na katahimakan, katiwasayan at pagkakaunawaan. Kailanman, si Dr. Jose Rizal ay hindi sumuko sa mga Kastilang mapanupil at palalo. Hindi siya katulad ng ibang mga pinuno ngayon na maraming duwag, at ang takot sa dayuhan ay hindi maitago. Kung magpatibay ng mga batas ay pahirap sa bayan ngunit pabor sa dayuhan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGGUNITA KAY DR. JOSE RIZAL


No comments:

Post a Comment