Tinanghal na kampeon sina International Master Ronald Dableo, Woman Fide Master Cherry Ann Mejia at Darry Bernardo sa kani-kanilang dibisyon sa 2013 National Blitz Chess Championship noong nagdaang Sabado sa Philippine Sports Commission National Athletes’ Dining Hall, Rizal Memorial Sports Complex, Vito Cruz, Manila.
Nakipaghatian ng puntos si Dableo, na head coach ng 2013 UAAP chess champion University of Sto. Tomas kontra Fide Master Haridas Pascua sa 9th at final round para iuwi ang titulo sa Open division sa torneo na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Una munang nagtapos sa three-way tie sina Dableo, Pascua at National Master Alcon John Datu sa liderato na may tig 7.5 puntos subalit nakopo ni dableo ang titulo dahil sa mas mataas na tie break points.
Si Mejia naman ang nagreyna sa women’s category na may 8.5 puntos habang si Bernardo ang hari sa kiddies 14 and under na may 7.0 puntos. May 7.0 puntos din sina 2nd place Daryl Unix Samantila at 3rd place Jester Sistoza.
Si International Arbiter Gene Poliarco ang chief arbiter habnag si NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales ang tournament director. – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment