Isang pulis at tatlong mangingisda ang iniulat na nawawala habang nagsasagawa ng rescue operation sa tumaob na bangka ng isa pang pulis na inatasang magsagawa ng retrieval operation sa isang natagpuang patay sa isang isla sa Tandag City, Surigao del Sur, kahapon.
Kinumpirma kahapon ng Tandag City Police na patuloy ang search at rescue operation sa nawawalang si PO1 Jeffrey Coquilla, at tatlong mangingisda na hindi pa kinilala, matapos tangayin ang mga ito ng malalaking alon kasunod ng pagtaob ng sinasakyan nilang bangka habang inililigtas si SPO1 Mariano Concha Jr.
Ayon kay Tandag City Police chief Supt. Jeffrey Laurence Mauricio, una niya inatasan si Concha para magsagawa ng retrieval operation sa natagpuang bangkay na si Ergie Plaza Suazo, na miyembro ng Tandag City Traffic Management Group, na unang napabalitang nawawala matapos tumaob ang sinasakyan nito kasama ang pamilya sa Barangay Quezon.
Sa pagresponde ni Concha sa natagpuang bangkay sa Mancagangi Island ay tumaob din ang sinasakyan niyang bangka, kaya ipinadala ang grupo ni Coquilla, pero pinaghampasan sila ng malalakas na alon at tinangay. – Fer Taboy
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment