Tuesday, December 31, 2013

WE WELCOME THE NEW YEAR 2014 WITH HOPE AND OPTIMISM


Ang Araw ng Bagong Taon sa Pilipinas ay bahagi ng mahabang Panahon ng Pasko. Bago pa man sumapit ang Bisperas ng Bagong Taon, mayroon nang lumilikha ng mga ingay mula sa mga torotot, sirena, radyo, mga kaldero at kawali, at mga paputok. Ang mga hapag-kainan ay puo ng pagkain na pang-Media Noche. May mga basket na naglalaman ng 12 bilugang prutas na nakadisplay upang kumatawan sa mabuting kalusugan, kasaganahan, at suwerte sa buong taon pati na rin ang pasasalamat sa taon na nagdaan. May mga nagpa-party, sayawan at kantahan sa mga lansangan at pagtitipun-tipon ng mga pamilya. Nakasabog ang mga barya sa lahat ng bahagi ng tahanan, pati na sa mga bintana at pintuan. Nakasindi ang lahat ng ilaw upang makaakit ng biyaya at magandang kapalaran.


Ang tradisyunal na simbolo ng ng Bagong Taon ay iang sanggol na naka-diaper, na may sash kung saan nakasulat ang Bagong Taon. Itinatanghal din sa telebisyon ang pagpapalit ng taon ng bawat time zone at mga lungsod sa iba’t ibang bansa sa tradisyunal nilang selebrasyon.


Ang Gregorian calendar, na pinagamit noong 1582 ni Pope Gregory XIII, ay nagtakda ng unang araw ng taon bilang Enero 1. Maraming bansa na ang gumagamit ng Gregorian calendar, kung kaya ang Bagong Taon ang pinakatanyag na pagdiriwang sa buong mundo, na sinasalubong nang buong kasihyahan at pag-asa.


Noong unang panahon, iniuugnay ng mga Roman ang Bagong Taon kay Janus, ang diyos ng mga pasukan, mga pindo at ng mga simula kung saan ipinangalan ang unang buwan ng taon, January. Dalawa ang mukha ni Janus, ang isa nakaharap sa pupuntahan at ang isa naman sa pinanggalingan.


Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. CabaƱes, iba pang opisyal at kawani, ay naghahangad para sa ating mga kababayan ng lahat ng mainam sa taon na ito. Salubungin natin ang Bagong Taon ng may kagalakan at optimismo. Makamtan nawa ang kapayapaan, kasiyahan, at kasaganahan ng Republika ng Pilipinas at sa buong mundo ngayong 2014. MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



WE WELCOME THE NEW YEAR 2014 WITH HOPE AND OPTIMISM


No comments:

Post a Comment