Umaabot pa lang sa 115 mula sa 422 halal na opisyal ang nagsumite ng tamang Statement of Contributions and Expenditures (SOCEs) sa Commission on Elections (Comelec).
Ito ay ilang linggo makaraang ilabas ng komisyon ang direktiba na nagpapababa sa puwesto sa mga hindi pa nagsusumite ng SOCE, gumamit ng maling form, at hindi personal na pinirmahan ang kani-kanilang SOCE.
Batay sa liham ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim, chairman ng Campaign Finance Steering Committee ng Comelec, sa Kongreso, nabatid na hanggang noong Disyembre 19 ay 16 na sa 20 halal na kongresista ang nakapagsumite ng winastong SOCE.
Sa liham naman ni Lim sa Department of Interior and Local Government (DILG) ay nakasaad na 99 na lokal na opisyal pa lang ang maaaring manatili sa puwesto hanggang noong Disyembre 23.
Kaugnay nito, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang mga nagtama lang at nagsumite ng SOCE ang papayagang manatili o makabalik sa puwesto. – Mary Ann Santiago
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment