Monday, December 30, 2013

3 gumagawa ng ilegal na paputok, huli

CAMP VICENTE LIM – Arestado ang tatlong katao nang salakayin ng mga awtoridad ang isang umano’y tagong pagawaan ng paputok sa Imus City, Cavite.


Sa report ni Imus City Police chief Supt. Redrico Maranan, nadakip sina Percival Topacio, Elmer Saliva at Conrado Saliva sa raid na isinagawa bandang 8:00 ng gabi noong Biyernes sa umano’y pagawaan ng paputok sa Barangay Malagasang 1B.



Nakakumpiska umano ang mga pulis ng ilang bawal na paputok at mahigit 50 kilo ng black powder at iba pang kemikal na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng paputok. – Lyka Manalo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3 gumagawa ng ilegal na paputok, huli


No comments:

Post a Comment