Nagmamadaling pumunta ang mga pastol sa Bethlehem at natagpuan nila si Maria at si Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita rito, pina totohanan nila ang pa hayag na binigkas sa kanila tungkol sa batang ito. Namangha rin ang mga nakarinig sa mga sinasabi ng pastol sa kanila. Iningatan naman ni Maria ang mga ito at pinagnilay-nilay sa kanyang puso. Umuwi ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil nakita nila ang lahat ng kanilang narinig ayon sa ipinasabi sa kanila. Pagsapit ng ikawalong araw, kailangan nang tuliin ang bata; noon siya pinangalanang Jesus, ang itinawag sa kanya ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
PAGSASADIWA
Tagapagdala si Maria ● Itinatampok sa Dakilang Kapistahang ito ang natatanging karangalan ni Maria bilang Ina ng Diyos. Ang “kaluwalhatian” ni Maria—ang Immaculada Concepcion, ang Pagaakyat sa Langit, at ang mga titulong makikita natin sa Litanya ni Maria— ang lahat ng ito ay kaugnay ng pag dadala niya sa Tagapagligtas dito sa mundo. Walang katulad at di mapapantayan ng sino mang nilalang ang kanyang papel sa plano ng pagliligtas. Isang natatanging tawag ito kay Maria na kanyang tinugon sa pamamagitan ng malalim na pananampalataya, kababaan, at kagandahang-loob.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment