Pagtutuunan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang iba’t-ibang laro na pampamilya upang mas mapagbuklod at mapalawig nito hindi lamang lahat ng mga nais matuto sa iba’t-ibang itinuturong sports kundi mapasaya din ang bawat miyembro ng pamilya sa isinasagawa nitong Laro’t Saya sa Parke, “Play N Learn” program.
Sinabi ni PSC Laro’t Saya sa Parke project manager Dr. Lauro Domingo Jr. na bahagi ng plano nito sa pagseselebra sa unang taon ng family oriented na programa na nakatuon sa physical fitness at community well-being ang pagpapasaya sa miyembro ng buong pamilya.
“We’re not just teaching them the values of sports but we also want them to be healthy and physically fit while they have their bonding moment while being part in the program. Add to that s the inclusion and belongingness to the community na nakikilala nila,” sabi pa ni Domingo habang isinagawa ang programa sa Rizal Park.
Kahapon, Disyembre 29, may kabuuang 361 katao pa rin ang nagpartisipa sa pinakahuling aktibidad ng programa para sa taon kung saan may 282 sa aerobics, 15 sa arnis, 20 sa badminton, 13 sa chess, 14 sa football at 7 sa volleyball.
Samantala, pag-aagawan ngayon ng mga kalahok mula sa Quezon City ang mga nakatayang premyo sa isasagawa na aero marathon na culminating activity para sa mga dumadalo sa Quezon Memorial Circle.
Nakataya ang mga premyo sa mapipiling pinakamagaling na 10 sa Male at Female 18-40 category at 41-55 division. Iuuwi ng mga magwawagi ang premyong P2,000 sa kampeon, P1,500 sa ikalawa, P1,000 sa ikatlo at P500 sa ikaapat at ikalima sa dalawang kategorya. May consolation naman ang ika-anim hanggang ika-10.
May premyo din sa itinakdang Special Awards para sa tatanghaling Best in Costume at Wackiest Dancer habang may ipapamahagi na 50 item na raffle prizes. – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment