Ni Remy Umerez
NOONG araw na hindi pa mamera ang award-giving bodies ay mahalaga para sa isang film entry ang nakukuhang major awards, tulad ng best actor or best actress at higit sa lahat ang kategorya bilang best picture.
Sumagi sa aming isipan ang pelikulang Itim na pinagbidahan ni Charo Santos noong nanganganay pa lang ang Manila Film Festival. Hindi commercial ang tema ng Itim at nanganganib na hindi tangkilikin. Pero nang humakotng major awards ay umangat ito at pinilahan ng mga manonood.
Fast forward to 10,000 Hours ni Robin Padilla na nagtamo ng maraming awards, kasama na ang best picture, best actor para kay Robin at best director para kay Bb. Joyce Bernal.
Sa kanyang acceptance speech, aminado si Robin na hindi pa sila nakaka-boundary, hindi tulad ng My Little Bossings at Girl, Boy, Bakla Tomboy na bawing-bawi na ang pinuhunan ng investors.
Worried lang kami sa tono ng pananalita ni Robin na ’tila may halong sarcasm. Pati ang joke niyang maisasangla ba ang tropeo ay wala sa lugar. Ang tanong: May hatak pa ba sa mga manonood ng pelikulang Pilipino ang pag-ani ng awards ng isang pelikula? At gaano ang impact na nililikha ng isang Graded A na pelikula sa moviegoers upang ito’y panoorin?
Sa mga susunod na araw, malalaman natin ang sagot sa sandaling maihayag ang overall grosses ng bawat kalahok.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment