DALAWANG miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang gagawing state witness kaugnay ng naganap na madugong bakbakan sa Zamboanga City sa pagitan ng puwersa ng MNLF-Misuari faction at tropa ng militar noong Setyembre.
Tumanggi si Prosecutor General Claro Arellano na pangalanan ang dalawang state witness bilang pagsaalang-alang sa kanilang kaligtasan.
Posible rin aniya na isailalim ang dalawa sa Witness Protection Program.
Nananatili ang dalawang testigo sa Zamboanga at hindi na sila isinama sa mga ibiniyahe patungo ng Camp Bagong Diwa.
Samantala, kinumpirma naman ni Arellano na nailipat na kaninang umaga sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang 266 miyembro ng MNLF.
Ang mga ito ay nahaharap sa kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 98-51 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law.
Matatandaang una nang inaprubahan ng Korte Suprema ang hiling ng National Prosecution Service na mailipat ang mga akusado sa Taguig, pati na ang lugar ng paglilitis mula sa Zamboanga City para matiyak ang seguridad sa pag-usad ng kaso.
The post 2 MNLF sa Zambo seige gagawing witness appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment