Saturday, December 28, 2013

Mahigit 1,000 may AIDS nasa edad 15-24

Inihayag ng Department of Health (DoH) na mahigit sa 1,000 katao – na nasa edad 15 hanggang 24 – ang positibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) ngayong 2013.


Ayon sa pinakahuling HIV/ AIDS registry na inilabas ng National Epidemiology Center, umabot sa 1,250 kabataan na may edad 15-24 ang positibo sa nakamamatay na virus.



Lumitaw din sa registry na mayroong 384 bagong kaso ng HIV kung saan umabot na sa 4,456 ang kabuuang bilang ng kaso

mula Enero hanggang Nobyembre 2013.


Tatlong bata na hindi lalagpas sa tatlong taong gulang ang positibo sa HIV.


Sinabi pa ng DOH na 465 overseas Filipino worker (OFW) ang positibo sa HIV, kung saan 99 porsiyento sa mga ito ang nakuha ang virus sa pamamagitan ng pagtatalik habang ang natitirang bahagi ay gumamit ng syringe.


Hanggang Nobyembre, nagpositibo sa HIV ang 274 blood unit base sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM). “These are confirmed positive blood units, not blood donors. One donor can donate more than one blood unit. HIV-positive blood donors may not be in the HIV and AIDS registry unless they underwent voluntary counseling and testing as individuals,” ayon sa registry. – Jenny F. Manongdo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mahigit 1,000 may AIDS nasa edad 15-24


No comments:

Post a Comment