Tuesday, December 31, 2013

‘Hobbit’, namamayagpag pa rin sa takilya

LOS ANGELES/NEW YORK (Reuters) – Sinapol ng The Hobbit: The Desolation of Smaug, ang tadtad ng special effects na kuwento ng mga duwende laban sa isang dragon, ang ikatlo nitong sunod na box office title, nang kumita ng $29.9

million nitong post-Christmas weekend upang daigin ang mga newcomer na The Wolf of Wall Street at The Secret Life of Walter Mitty.



Pumangalawa ang animated film ng Walt Disney na Frozen, sa ticket sales na umabot sa $28.8 million sa ikatlong linggo nito, kasunod ang Anchorman 2: The Legend Continues ni Will Ferrell, na kumolekta ng $20.2 million sa domestic theaters.


Pang-apat ang American Hustle, na muling pagsasama-sama ng direktor na si David O. Russell at ng mga bida ng Silver Linings Playbook na sina Bradley Cooper at Jennifer Lawrence, sa kitang $19.6 million sa mga sinehan sa Amerika at Canada, ayon sa studio estimates.


Panglima ang puwesto ng The Wolf of Wall Street ng direktor na si Martin Scorsese sa kinitang $18.5 million, bagamat pumangalawa ito sa The Hobbit noong Christmas Day, ayon sa taya ng box office tracking site na Rentrak.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Hobbit’, namamayagpag pa rin sa takilya


No comments:

Post a Comment