OKLAHOMA CITY (AP)- May mga ilang pagkakataon na isinasaisip ng Oklahoma City Thunder si Russell Westbrook habang ito’y patuloy na nagpapagaling sa panibago na namang knee surgery, ngunit kakaiba ang nangyari kahapon.
Nagtala si Kevin Durant ng 33 puntos, 13 rebounds at 5 assists kung saan ay napagtagumpayan ng Thunder ang kanilang ikalawang sunod na laro na wala pa rin si Westbrook, Tinalo nila ang Houston Rockets, 117-86.
Nag-ambag si Jeremy Lamb ng career-high 22 points o 8-of-10 sa shooting at 5 assists para sa Oklahoma City, ang may pinakamagandang record sa NBA, 25-5. Napasakamay ng Thunder ang 12 sa kanilang huling 13 at 20 sa kanilang huling
22 mga laro.
Nagposte si Reggie Jackson, humalili sa puwesto ni Westbrook, ng 16 points at 8 assists kung saan ay ‘di napag-iwanan ang Thunder kung saan ay umungos pa sila sa mahigit 32 puntos kontra sa koponan na kanilang tinalo sa anim na mga laro sa unang round nang nakaraang season’s playoffs.
Sinabi ni Durant na ang eksperiyensa sa paglalaro na wala si Westbrook para sa huling apat na laban sa nasabing serye at sa nakalipas na playoffs ang nagprepara sa Thunder para kaharapin nila ang anumang kinakailangang hakbangin.
‘’It’s still tough not having him here, but we know what we have to do now,’’ pahayag ni Durant. ‘’We learned from our mistakes last time. Hopefully we just keep getting better and when he comes back it’s kind of a seamless transition for us.’’
Inasinta ng Oklahoma City ang 57 percent sa shooring mula sa field (47 of 82) sa pakikipagharap sa Rockets para sa kanilang nakadidismayang pagkatalo sa season. Pinigilan ng Thunder si James Harden sa 8 puntos o 2-of-9 sa shooting, habang si Dwight Howard, binantayan nang husto ni Oklahoma City center Kendrick Perkins, ay nagtala ng 9 puntos o 4-of-13 sa shooting at 9 rebounds.
‘’That team is a very, very high-powered offense,’’ giit ni Durant. ‘’They’re so quick up the floor. We just wanted to let them see bodies and just play hard. . We’ve got to do a better job (defensively) but tonight was a step in the right direction.’’ Ikinasa ni Aaron Brooks ang 17 puntos at isinalansan ni Chandler Parsons ang 15 para sa Houston, naglaro ng apat na pagkakataon sa loob ng limang araw. Naimintis ng Rockets, natapyas ang kanilang three-game winning streak, ang kanilang unang 12 shots at nakapagtala lamang ng 36.5 percent mula sa field (31-of-85).
Hindi naman inamin ni Houston coach Kevin McHale na ang kapaguran ang sumira sa performance ng Rockets.
‘’You’re playing basketball,’’ ayon kay McHale habang umiiling ang ulo nito. ‘’You’re not logging tall timbers, believe me. Four games in five nights … next question.
‘’We couldn’t stop them. We couldn’t run. We had nothing.’’
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment