Sunday, December 29, 2013

Malabo nang makabawi —Direk Joyce

“NINETY (90) percent true ‘yung mga nangyari, like kung nasa top three ka sa survey, ilalaglag ka, pero ‘yung factual na nangyari, hindi ganu’n. Like ‘yung best friend ni Ping (Lacson) na si Michael de Mesa, supposedly younger, pero ginawa naming older, t-in-wist namin ang ibang karakter.”



Ito ang sabi ni Bb. Joyce Bernal nang tanungin namin kung gaano kalayo sa katotohanan ang istorya ng 10,000 Hours na ginampanan ni Robin Padilla na hango naman sa talambuhay ni Sen. Ping Lacson.


First time manalo ni Direk Joyce ng best director kaya masaya siya, pero parang hindi naman namin naramdamang masaya talaga siya.


“Masaya ako, masaya naman,” sambit niya. Hindi marahil ganap ang kasiyahan ni Direk Joyce kahit na hinakot ng 10,000 Hours ang mahigit kalahati ng awards sa 39th Metro Manila Film Festival awards night dahil nga alam naman ng lahat na super flop ang pelikula ni Robin.


Tinanong namin siya kung magkano na ang kinikita ng 10,000 Hours.


“Walang sinasabi, eh. Baka nahihiyang sabihin,” kaswal na sabi sa amin. “Malabo nang makabawi (ng puhunan) ‘yun,” dagdag pa niya.


Kahit hindi sabihin ni Direk Joyce ay alam ng buong industriya na malaki ang nagastos sa 10,000 Hours dahil ilang linggo silang nag-shooting sa Amsterdam at mataas ang palitan ng Euro.


Nanghihinayang kami dahil bilang lang sa daliri ang mga nanonood ng 10,000 Hours at masuwerte na kung umabot sa bente katao ang nasa loob ng sinehan.


Gustung-gusto namin ang mala-CCTV shots na ginawa ni Direk Joyce, “Ganu’n kasi sa senado, maraming CCTV cameras kaya sinunod ko lang, pati sa airport.”


Subukan mong panoorin, Bossing DMB ang 10,000 Hours dahil puwede nang makipagsabayan sa Bourne series, pramis.


(Hindi pa palabas dito sa SM Naga Cinema, Gee. –DMB)


Samantala, pangalawang best actor award na ito ni Binoe, nauna na siyang nakatanggap sa 2006 Urian para sa pelikulang La Visa Loca kasama si Rufa Mae Quinto, at Best Comedy actor naman para sa Toda Max.


Sana sa rami ng awards na nakamit ng 10,000 Hours ay dagsain na ito ng moviegoers. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Malabo nang makabawi —Direk Joyce


No comments:

Post a Comment