Monday, December 30, 2013

Mga pinakaaabangang pagbabalik sa 2014

HINDI pa ito maituturing na pagbabalik sa ngayon ngunit sa pagpasok ng bagong taon, binasag ng Yahoo Music ang bolang kristal at sinilip ang pinakaabangang pagbabalik sa 2014. Panahon lamang ang makapagsasabi kung maibabalik ng mga artist na ito ang kanilang lakas sa charts o mabibigo sa kanilang tangkang muling malasap ang mga nakalipas na tagumpay.



OutKast – Hindi tumitigil ang alingasngas sa reunion ng ATLiens hitmaker para sa Coachella, ang spring’s hottest music festival, na dalawang weekends tuwing Abril na ginaganap sa Southern Californian desert. Noong 2006, nagkanyakanyang karera sina Andre 3000 at Big Boi. Naging maingay din ang mga usap-usapan ng kanilang bagong solo albums o marahil ay isang reunion album, ngunit ang lahat ng ito ay pawang espekulasyon lamang. Gayunman, ang kanilang pagkawala sa eksena ay tila lalo lang nagpalakas sa kanilang impluwensiya. Maging ang Australian psych-rockers na si Tame Impala ay nagbigay ng tribute sa duo kamakailan.


Billy Joel — Nagbalik ang Piano Man sa entablado nitong huling bahagi ng 2013 at regular na magbabalik sa 2014 sa residency sa Madison Square Garden, ngunit wala pang balita kung ang pagbabalik sa entablado ay mag-uudyok din kay Joel para magrekord ng kanyang unang bagong pop material sa loob ng 20 taon.


Prince — Natagalan ang kanyang pagbabalik simula nang marinig natin siya noong 1999, ngunit ang Royal Badness ay lumilikha ng ingay kamakailan sa latest combo ng 3rdeyegirl at awiting Breakfast Can Wait, kaya may mga umaasa na susunod na ang kanyang bagong album. Kung may natutuhan man tayo sa pagpanaw ni Michael Jackson, ito ay hindi na dapat pang hintayin ang kanilang pagkawala bago natin pahalagahan ang kanilang musika.


U2 — Tinukso na tayo ni Bono at mga kasamahan sa bagong awiting Ordinary Love sa Mandela: Long Walk to Freedom, at lumalabas na magkakaroon sila ng kanilang unang bagong album simula 2009 na No Line on the Horizon ngayong 2014, posibleng sa Abril.


Lily Allen — Noong 2007, tila ganado si Lily Allen na i-duplicate ang kanyang tagumpay sa U.K., pero hindi ito nangyari. Ngunit hindi nawala ang kanyang loyal cult of fans. Sa huling bahagi ng nakaraang taon nagbalik siya dala ang sassy-as-ever track na Hard Out Here, kinumpirma na siya ay magtatanghal sa Glastonbury ngayong summer, at posibleng magkaroon ng bagong album.


Toni Braxton — Nilabanan niya ang lupus ngayong 2013 at napagod sa kompetisyon bilang pop star, inihayag niya ang kanyang retirement, ngunit tila nagbago ang kanyang isip nang magpahiwatig ng suporta si Kenneth “Babyface” Edmonds at iba pa. Magbabalik si Toni sa Love, Marriage & Divorce, ang kanilang duet album ni Babyface, sa Pebrero.


Oasis — May mga usap-usapan na isasantabi ng Gallagher brothers ang kanilang iringan para ipagdiwang ang 20th anniversary ng kanilang debut album na Definitely Maybe, ngunit ang titulo ay maaaring pahiwatig din sa magaganap na reunion. Nitong unang bahagi ng buwan, may mga balita na tinanggihan ni Noel Gallagher ang mga alok na 20 million pounds upang muling maka-jamming ang nakababatang kapatid na si Liam. – Craig Rosen/Yahoo Music


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mga pinakaaabangang pagbabalik sa 2014


No comments:

Post a Comment