Monday, December 30, 2013

2 magsasaka kinatay sa Cagayan

PATAY ang dalawang magsasaka matapos saksakin at pagtatagain ng kanilang naasar na kainuman sa Baggao, Cagayan.


Kinilala ang mga biktima na sina Bayani Baret, 38, at Emanuel Luis, 32, pawang ng Brgy. Imurung, habang ang suspek ay si Gregorio Mamanao, 32, ng Brgy. Calamagui sa Amulung.


Sa imbestigasyon, nabatid na nag-iinuman ang dalawang biktima kasama sina Ledi Bayani at Exel Baret sa bahay ng isa sa mga suspek.


Pero habang nasa kasarapan na ng inuman ay dumating si Hilaria Simon at sinampal si Exel Baret dahil sa ikinakalat na tsismis na naikama siya nito.


Sinaklolohan naman ng mga biktima si Exel sa pananampal ni Simon.


Dito naman sumaklolo rin sa lugar ang suspek at nauwi sa saksak at pananaga sa biktima.


Binunot ng suspek ang nakasukbit na patalim sa beywang ni Ruis na ginamit naman sa pagtaga sa kanyang leeg at pagsaksak kay Baret.


Matapos ang pangyayari ay agad na tumakas ang suspek.


The post 2 magsasaka kinatay sa Cagayan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 magsasaka kinatay sa Cagayan


No comments:

Post a Comment