Inilunsad ni Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Edgardo Layon ang “Oplan Bandillo”, upang mabawasan ang insidente ng indiscriminate firing at paggamit ng ilegal na paputok sa Northern Metro area sa pagsalubong sa Bagong Taon bukas.
Para sa Oplan Bandillo, inatasan ni Layon ang mga hepe ng pulisya sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela na italaga ang mga pulis sa mga shopping mall, bus terminal, LRT Monumento station, at mga pamilihan mula umaga hanggang gabi.
Kasabay nito, binalaan ni Layon ang mga pulis na masisibak sa puwesto kung lalabag sa kanyang direktiba. – Orly L. Barcala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment