Sa kabila ng kanilang ginawang paglimita sa mga kalahok na runners, optimistiko pa rin ang organizers ng idaraos na Stags Charity Run sa Enero 12 sa Aseana City sa Paranaque na marami pa ring sasali sa kanilang event at magagawa nitong lagpasan ang bilang ng partisipasyon ng nakaraang tatlong edisyon ng nasabing takbuhan.
Nilimitahan lamang ang partisipasyon sa nasabing fun run ng hanggang sa kanilang mga mag-aaral, empleyado, mga opisyales, alumni, mga inimibtang panauhin at mga tagapagtaguyod.
Gayunman, sinabi ni Rev. Fr. Joel A. Alve, OAR,ng San Sebastianm College at siya ring overall chairman ng organizing committee na talagang sinisikap nilang mahikayat ang kanilang komunidad sampu ng kanilang mga kaibigan at mga tagasuporta na lumahok sa patakbong nabanggit dahil maganda ang patutunguhan ng malilikom na pondo dito na kanilang ilalaan sa charity missions ng Order of Augustinian Recollects.
“We intend to duplicate, if not eclipse, the more than 4,000 runners who joined our third edition in 2013,”ayon kay Alve. “This way, we shall be able to sustain the implementation of our pastoral ministry and charity mission in the provinces.
“So we’re calling for the participation of the school community, friends and alumni to again make this yearly cause and very meaningful and successful one,”dagdag nito.
Magsisimula na ang patalaan ng lahat ng mga kalahok para sa evnt na angtatampok sa mga kategoryang kinabibilangan ng 3k, 5k at 10k sa papasok na linggo kung saan ang entry fee ay itnakda sa halagang P500. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment