Tuesday, December 31, 2013

Wall, nagtala ng 30 puntos para sa panalo ng Wizards


AUBURN HILLS, Mich.- Nagtala si point guard John Wall ng 30 puntos, ang kanyang career-high na may pitong mga laro na taglay ang mahigit sa 20 puntos, kung saan ay binigo ng Washington Wizards ang Detroit Pistons sa ikalawang pagkakataon sa tatlong pagtatagpo, 106-99, kahapon sa The Palace.



Nagsalansan si forward Trevor Ariza ng 15 puntos, 11 rebounds, 4 assists at 6 steals, habang nag-ambag ang guard na si Bradley Beal ng 13 puntos para sa Wizards. Binura ng Washington (14-14) ang 12-point, second-half deficit upang pagwagian ang ikalimang pagkakataon sa anim na mga laro.


Inungusan ng Wizards ang Detroit, 106-82, noong Linggo sa Washington, tinapyas ang seven-game losing streak sa Pistons. Pinangunahan ni forward Greg Monroe ang Pistons, nabigo sa ikalimang pagkakataon sa anim na mga laro, taglay ang 22 puntos at 10 rebounds.


Nagtarak si center Andre Drummond ng 16 puntos at 16 rebounds, inasinta ni guard Brandon Jennings ang 15 puntos at 14 assists, habang nagdagdag si forward Josh Smith, pinagpahinga sa second half noong Linggo, ng 16 puntos at 9 rebounds.


Tinipa ni Detroit rookie guard Kentavious Caldwell-Pope ang lahat ng kanyang career-high 17 points sa first half, at nabigo ang Pistons (14-19) sa ikaanimn pagkakataon sa pitong nakalipas na home games.


Binuksan ng Wizards ang fourth quarter na may 11 unanswered points, kinapalooban ng tres ni forward Martell Webster, upang kunin ang 89- 87 lead. Ang 20-foot shot ni Webster sa nalalabing 5 minuto ang nagdala sa Washington sa 95-91 advantage.


Ang perimeter shots naman ni Beal at center Nene ang nagbigay sa 101-96 sa natitirang 2 minuto. Ang fadeaway jumper ni Wall sa final minute ang nagdala sa panalo.


Narating ni Caldwell-Pope, umiskor ng kumbinasyong 13 points sa nakaraang limang mga laro, ang kanyang career high na mayroong 11-point second quarter kung saan ay sinunggaban ng Pistons ang 63-53 lead.


Ikinasa ni Jennings ang 10 assists kung saan ay umiskor ang Pistons ng 20 second-chance points tungo sa kanilang 14 offensive rebounds bago ang break. Lolobo pa sana ang kanilang kalamangan kung hindi sana nagmintis ang 9 sa kanilang 17 free-throw attempts. Tumapos ang Detroit sa 21-for-35 (60 percent) mula sa foul line.


PASAKALYE: Hindi nakita sa aksiyon si guard Rodney Stuckey, ang sixth man ng Pistons, sanhi ng sore right shoulder. Pinagpahinga siya ng dalawang mga laro na kapareho ring injury. … Sisimulan ng Washington ang three-game homestand kontra sa Dallas Mavericks ngayong Bagong Taon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Wall, nagtala ng 30 puntos para sa panalo ng Wizards


No comments:

Post a Comment