Sunday, December 29, 2013

Kris, kaya na bang magpatakbo ng TV network?

Kris Aquino


Ni Reggee Bonoan


MARAMI ang nagulat sa balitang inalok ni TV5 Chairman at CEO Manny V. Pangilinan si Kris Aquino ng mataas na posisyon dahil seryoso raw ba ang nasabing bossing ng network?


Suntok sa buwan daw na tanggapin ng Queen of All Media ang alok dahil kasalukuyan siyang namamayagpag ngayon sa ABS-CBN kahit na iisa lang ang kanyang programa sa ngayon, ang KrisTV.



Iisa ang tanong ng mga nakatsikahan naming taga-TV5: “Kaya na ba niyang magpatakbo ng isang TV network?”


May sumagot naman ng, “Oo naman, kasi maski paano may ideya na ‘yan dahil ilang taon na rin naman siya sa industriya at hindi naman sasabak si Kris nang wala lang. Defi nitely, maraming consultants ‘yan.”


Alam namin na sina Boy Abunda at Dreamscape Entertainment Business Unit Head Deo T. Endrinal ang madalas na hinihingan ni Kris ng payo bilang managers niya.


Hindi kaya magkaroon ng conflict of interest kung sakali man, Bossing DMB dahil siyempre kapag nagtanong si Kris sa kanila, definitely, malalaman na nina Boy at Deo ang plano para sa TV5 bagay na hindi naman siguro gugustuhin ni MVP dahil kalabang network ang ABS-CBN.


Maliban nalang kung isasama ni Kris ang lahat ng mga taong pinagkakatiwalaan niya mula ABS-CBN patungong TV5. Ano naman kung ganoon ang mangyayari sa Dos, mapipilayan?


Pero may mga nakatsikahan kaming taga-TV5 na gustong lumipat si Kris sa kanila.


“Sana tanggapin niya para tumaas naman ang premium ng TV5 at umayos na ang sistema,” sabi ng isang TV5 exec. “Magulo kasi maski na bago na ang president kasi hindi naman masa si Noel (Lorenzana) na galing pala ng Solar na napunta sa Smart at PLDT.


“Inglesero ‘yun,” sabi naman ng isa pang taga-TV5, “hindi makamasa, sosyal kaya baka hindi niya kapado ang showbiz industry.”


E, imposible namang palitan ni Kris kung sakali si Mr. Lorenzana na kauupo lang bilang presidente ng TV5, sabi namin sa aming mga kausap na ilang taon na ring naninilbihan sa network.


“Puwede naman, ganu’n naman si MVP, iniikot-ikot lang niya ang mga tao niya, puwede niyang ibalik sa PLDT o Smart si Noel. Saka hindi nagtatanggal ng tao si MVP, inilalagay lang niya sa ibang negosyo niya maski na may mga naging problema.


“I-check mo ang record niya sa mga empleyado niya dati sa TV5, lahat may puwesto pa rin sa iba’t ibang kumpanya niya,” detalyadong kuwento ng aming source.


Samakatuwid, posibleng si Kris ang ipapalit kung sakaling tanggapin niya ang offer ni MVP? So, siya ang magiging counterpart ni Ms. Charo Santos- Concio ng ABS-CBN at ni Atty. Felipe Gozon ng GMA-7 sa TV5, bossing DMB.


Oh well, let’s wait and see na lang pagbalik ni Kris ng Pilipinas mula sa mahigit dalawang linggong bakasyon niya sa London kasama sina Josh at Bimby.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kris, kaya na bang magpatakbo ng TV network?


No comments:

Post a Comment