Sunday, December 29, 2013

Deployment ban sa Yemen, kinuwestiyon, pinababawi ng OFWs

Ilang linggo makalipas ang pagatake ng mga terorista sa Yemen na ikinasawi ng pitong Pinoy, sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE) na nananawagan sa gobyerno ang mga overseas Filipino worker (OFW) upang bawiin na ang umiiral na deployment ban sa nasabing bansa.



Sa kanyang report, sinabi ni Labor Attaché David Des Dicang na umapela ang OFWs sa Yemen sa kanilang pulong noong Disyembre 20.


Si Dicang, na nakabalik na sa bansa, ay bahagi ng inter-agency team na ipinadala sa Yemen upang pagaralan ang sitwasyon ng seguridad sa nasabing bansa kasunod ng pambobomba sa isang compound ng gobyerno noong Disyembre

5, na ikinamatay at ikinasugat ng maraming sibilyan, kabilang na ang mga Pilipino.


Simula noon, itinaas na ng gobyerno ang security alert level 3 sa Yemen.


Sa ilalim ng alert level 3, agad na mag-uutos ng deployment ban at magsasagawa ng voluntary repatriation ang Pilipinas para sa partikular na bansa.


Sinabi ni Dicang na karamihan sa OFWs na dumalo sa pulong ay kinukuwestiyon ang validity ng deployment ban dahil napakalaking bahagi ng Yemen ang nananatiling payapa.


“Some of our compatriots attending the meeting strongly expressed their pleasure and disgust questioning why the Philippine government raised the level to 3 alleging that no apparent factual assessment has been done before this and pointed out that the unfortunate incident that happened at the Defence Ministry Complex on 5 December 2013…is an ‘isolated case’,” sabi ni Dicang.


Ipinaliwanag naman ni Dicang sa mga OFW na ang desisyong magtaas ng alert level 3 ay batay sa intelligence reports mula sa mga opisyal na source na nakalap ng Department of Foreign Affairs (DFA).


Gayunman, sinabi niya na hindi kumbinsido ang maraming OFWs at ngayon ay aktibong nangangampanya ang mga ito para bawiin ang deployment ban, na nagbunsod upang ipagpaliban ang maraming magbabakasyon sana sa Yemen.


“Some OFWs disclosed that they will be circulating among the community in the coming days an appeal-letter to be addressed to the Philippine government to lower Alert level 3 to 2,” ani Dicang.


May 1,300 OFW ngayon sa Yemen. – Samuel P. Medenilla


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Deployment ban sa Yemen, kinuwestiyon, pinababawi ng OFWs


No comments:

Post a Comment