Monday, December 30, 2013

Michael Schumacher, comatose sa France matapos ang skiing accident


GRENOBLE, France (AFP) – Nasa kritikal na kondisyon si Michael Schumacher, ang retired seven-time Formula One champion, noong Lunes matapos sumailalim sa brain surgery kasunod ng skiing accident sa French Alps, sinabi ng mga doktor.


Ang 44-anyos na German ay “suffering a serious brain trauma with coma on his arrival, which required an immediate neurosurgical operation”, saad sa pahayag ng ospital sa timog silangan ng lungsod ng Grenoble sa France.



“He remains in a critical condition.”


Nag-skiing si Schumacher kasama ang kanyang 14-anyos na anak sa upmarket Meribel resort, kung saan siya ay may property, nang mahulog at tumama ang kanyang ulo sa isang bato.


Inilipad siya sa isang lokal na ospital, at makalipas ang isang oras ay inilipat sa mas kumpletong pasilidad sa Grenoble. Isang surgeon at brain specialist mula sa Paris ang kaagad na ipinatawag upang pamahalaan ang paggamot sa kanya.


Sinabi ng director ng Meribel resort na si Christophe Gernigon-Lecomte, pagkatapos ng aksidente na may suot na helmet si Schumacher ay “conscious but a little agitated”, nagpapahiwatig na hindi nakamamatay ang natamong pinsala nito.


Nang ma-comatose si Schumacher, napagtanto ng mga doktor na mas malala ang kanyang pinsala kaysa nauna nilang pinangangambahan.


Sinabi ng dalawang mountain police officers na nagbigay ng first aid kay Schumacher na siya nagkaroon ng “severe cranial trauma” nang madatnan nila ito at isang helicopter ang dumating para mailipat siya sa loob lamang ng 10 minuto.


Ang kilalang Parisian neurologist, doctor na si Gerard Saillant, ay dumating sa Grenoble hospital sakay ng police car upang tumulong sa pagbibigay-lunas sa sikat na pasyente.


Nasa ospital na ang asawa niyang si Corinna at ang kanilang dalawang anak.


Ang pahayag ng ospital ay nilagdaan ng neurosurgeon ng pasilidad, ang professor na incharge sa anaesthesia/revival unit, at ng deputy director ng ospital. Inilabas ito katuwang ng press team ng dating racer sa Germany.


Maglalabas ng update sa kondisyon ni Schumacher sa mga susunod na oras, ayon sa tagapagsalita ng ospital.


Bantay-sarado ng mga pulis ang bukana ng ospital sa pagdagsa ng mga mamamahayag, at tagahanga, ang ilan ay nakasuot ng mga kulay ng dating stable Ferrari ng Formula One legend, na naghihintay ng balita tungkol sa kanyang kalusugan.


Kaisa ng libu-libong well-wishers ang reaksiyon ng Brazilian Formula One racing driver na si Felipe Massa sa Twitter.


“I am praying for God to protect you my brother!! I wish you a speedy recovery Michael,” sulat ng dating Ferrari driver.


Si Schumacher, naninirahan kasama ang pamilya sa Switzerland, ay nasa pribadong bakasyon sa Meribel, ayon sa kanyang tagapagsalita.


Ipagdiriwang niya ang kanyang ika-45 kaarawan sa Biyernes.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang aksidente, ayon sa ski resort.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Michael Schumacher, comatose sa France matapos ang skiing accident


No comments:

Post a Comment