Monday, December 30, 2013

Number coding sa Metro Manila, suspendido

Suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa buong Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Batay sa pahayag ng MMDA sa Twitter, walang coding scheme sa Disyembre 30 at 31, gayundin sa Enero 1, 2014, kaya malaya ang mga motorista na magamit ang kanilang mga sasakyan sa pagbiyahe sa Metro Manila.



Holiday kahapon, Disyembre 30, para sa paggunita sa Rizal Day, habang special non-working day naman ngayong Disyembre 31, at ipagdiriwang naman bukas, Enero 1, ang New Year’s Day.


Muli namang ipatutupad ang number coding scheme sa Huwebes, Enero 2.


Sa ilalim ng UVVRP, hindi pinapayagan ang mga sasakyan na bumiyahe sa mga pangunahing ruta sa Metro Manila sa oras ng trapiko depende sa huling numero ng plaka. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Number coding sa Metro Manila, suspendido


No comments:

Post a Comment