Sunday, December 29, 2013

Overloaded na barko, pinigil maglayag

Matapos makumpirmang overloaded, pinigil ng Philippine Coast Guard (PCG) na makapaglayag ang isang barko sa Zamboanga City Port. Napag-alaman na patungo sa Isabela, Basilan ang MV Stephanie Marie ngunit hinarang ito ng PCG.



Ayon sa report ng PCG, mahigit 1,000 ang pasahero ng nasabing barko kaya hindi ito pinayagang maglayag dahil base sa talaan ng PCG ay nasa 900 pasahero lang ang kapasidad nito.


Bukod pa rito ay nadiskubre ring wala sa manipesto ang mahigit 100 pasahero.


Matatandaan na sinimulan noong Disyembre 20 ang mahigpit na monitoring ng PCG sa mga barko upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Overloaded na barko, pinigil maglayag


No comments:

Post a Comment