Monday, December 30, 2013

‘Goodbye Paputok’, ikinasa ni Mayor Malapitan

Nagsagawa ng motorcade ang mga opisyal at kawani ng Caloocan City upang ilunsad ang ‘Goodbye Paputok’ at paalalahanan ang mga residente na iwasang magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon ngayong hatinggabi.


Pinangunahan ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang motorcade, na sinimulan sa Caloocan North City Hall.



Namahagi ng mga poster at tarpaulin ang alkalde na may larawan ng mga aksidenteng idinulot ng paggamit ng paputok.


“Ako po ay nagsusumamo sa aking mga kababayan na huwag nang magpaputok at gumamit na lang ng mga alternatibong paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon,” sabi ni Malapitan. “Mag-ingay na lang po tayo o kaya’y kumuha ng sirang kaldero at ito na lang ang pukpukin, o kaya’y mag-torotot na lang.”


Inikot ng convoy ni Malapitan ang 188 barangay sa lungsod bago nagtungo sa Caloocan Poblacion para alayan ng bulaklak ang bantayog ni Gat. Jose Rizal, bilang paggunita sa ika-117 anibersaryo ng kabayanihan ng Pambansang Bayani kahapon. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Goodbye Paputok’, ikinasa ni Mayor Malapitan


No comments:

Post a Comment