Ni Michael Joe T. Delizo
TINADTAD ng mga problema si Regine Velasquez ngayong taon, kabilang na ang pagkakaospital ng kanyang ama.
Inamin niya na tila natabunan ng mga pinagdaan ang negatibong bagay ang ilan sa magagandang nangyari sa kanyang buhay nitong 2013.
“Hindi ko alam kung ano ‘yung magandang bagay na nangyari sa akin, marami naman, kaya lang minsan naoovershadow ng pangit ‘yung maganda, so parang hindi ko maisip kung ano ‘yung maganda,” wika niya sa Bulletin Entertainment. “That’s very human.”
Kabilang sa mga biyayang ipinasasalamat niya ang tuluyang paggaling ng kanyang ama gayundin ang dalawang konsiyerto niya ngayong taon – ang repeat ng kanyang 25th anniversary Silver concert at ang Foursome Valentine’s Day concert kasama sina Ogie Alcasid, Pops Fernandez at Martin Nievera, na itinuturing niyang highlights ng kanyang career.
Hindi siya gaanong umaasa para sa 2014, dahil ayaw niyang ma-preempt ang kapalaran. Kung mayroon man siyang pinanghahawakan, ito ay ang pananatiling positibo habang patuloy na nagdarasal.
“I’m just looking forward period. Parang right now sa sitwasyon natin parang that’s all we need lang. You just look ahead and keep praying. Kasi hindi naman natin alam what’s gonna happen in the future. You just have to keep praying, looking forward and be positive,” aniya.
Sa pagbabalik-tanaw niya sa nagdaang taon, sinabi ni Regine na iniiwasan niyang magkaroon ng pagsisisi dahil, katwiran niya, “it’s not gonna change anything.”
Paliwanag ni Songbird, “‘Di ba you keep regretting na, ‘Sana hindi ko na ginawa ‘yon.’ Nabago ba? Hindi naman. So, parang you just feel guilty.”
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment