Aminado si Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok na unti-unti na nitong lilisanin ang asosasyon dahil sa kanyang karamdaman.
Gayunman, mananatili itong pangulo ng asosasyon si GTK bago ipasa ang responsibilidad kay vice chairman Philip Ella Juico.
“We don’t know yet what will happen. As of now, magaling na ako at malakas. Maybe in the next two months ay mas gumanda ang kalusugan ko at baka tumama sa sweepstakes. May pera na uli ako para tulungan ang PATAFA,” sinabi ni Go
habang nagpapagaling sa kanyang operasyon sa colon noong nakaraang Hulyo.
“This is my first time to miss the World Athletics Championships in Russia, also the SEA Games, but I was ably represented on both by Mr. Juico,” pahayag ni Go, inamin din na ang Philippine Sports Commission (PSC) chairman at kasalukuyang
pangulo ng Wack Wack Golf and Country Club (WWGCC) na si Juico ang inaasahan niya mula sa 15-man PATAFA board members na papalit sa kanya.
Matatandaan na ipinagkatiwala ni Go kay Juico ang dalawang malaking torneo na 14th IAAF World Championships sa athletics noong Agosto 10-18 sa Moscow, Russia, kasama ang tumakbo sa men’s 400-meter hurdles Fil-Am na si Eric Cray at 27th Southeast Asian Games sa Myanmar noong Disyembre 11-22.
Nakapag-uwi naman ang athletics ng kabuuang 6-4-3 (ginto-pilak-tanso) sa kada dalawang taong SEA Games.
“Right now, there are processes to be followed para hindi magulo sa POC and PSC. But I will gladly accept the endorsement and the leadership of the association once Mr. Go decided to step down and the election is held properly,” pahayag naman ni Juico.
Dalawang buwang naratay sa ospital si Go at mahigit P2-milyon ang nagasta dahil sa sakit.
Nakalalakad na ito ngayon ng normal bagamat kailangang gumamit ng tungkod.
Nasa puwesto si Go sa athletics sapul nang relyebuhan si Gov. Jose Sering sa pagkapangulo noong 1991. – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment