Sunday, December 29, 2013

Biktima ng paputok, halos 200 na

Dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, iniulat ng Department of Health (DoH) na umakyat na sa halos 200 ang mga nabiktima ng paputok sa bansa.


Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center ng DoH, nasa 198 na ang naitala nilang fireworks-related injury simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga kahapon.



Sa nasabing bilang, 192 ang nabiktima ng paputok, isa ang nakalulon ng paputok, at lima ang biktima ng ligaw na bala.


Mas mataas ito kumpara sa 179 fireworks-related injury na naitala sa kaparehong petsa noong nakaraang taon, kabilang ang 175 nasugatan sa paputok, isa ang nakalunok ng paputok at tatlo ang tinamaan ng ligaw na bala.


Nananatili namang ang paputok na piccolo ang may pinakamaraming nabiktima, na umaabot sa 119 o 62 porsiyento.


Iniulat din ni Tayag na ang Maynila ang nanguna sa Top 3 na siyudad sa Metro Manila na may mga biktima ng piccolo na nasa 24, habang pito ang nabiktima ng piccolo sa Quezon City at anim naman sa Mandaluyong. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Biktima ng paputok, halos 200 na


No comments:

Post a Comment