Monday, December 30, 2013

ANG AKING LAKAS

“The Lord is my strength and my shield in Him my heart trusts, so I am helped, and my heart exults, and with my song I give thanks to Him.” – Psalm 28:7


Narito ang apat na mungkahi upang tayo ay hindi malungkot at maghinagpis: Magbigay ng kahit na anong pakikinabangan ng tumatanggap. Kapag nagbigay tayo ay magkakaroon ng espasyo. At dahil dito ay wala tayong malay na may kapalit na darating. Ito ay tanda na tayo ay masagana, dahil tayo ay palabigay. Matutuwa ang Poon at mawawala ang ating pighati.



Paliitin ang pangarap nang sa gayon ay iyong maaari lamang ang ating pagbuhusan ng ating mithi. Maaari nating itutok ang ating panahon at lakas sa madaling matanggap na layunin. Tiyak mawawala ang damdaming bigo. Palitan natin ang ating ibig ng ganito—kailangan ko na magiging ibig ko. Kapag nakuha natin ang ating gusto ay maliligayahan tayo.


Pasalamatan ang Poon sa lahat ng mayroon na tayo. Bilangin natin ang mga biyaya na ipinagkakaloob sa atin. Sa loob ng isang oras ay mabibilang natin ang mayroon na tayo at mga darating pa.


Narito ang isang dalagita na pinagbakasyon ng ina sa kanyang Lola Isay sa Bulacan. Mula nang dumating si Melba sa kanyang Lola na ang tanging kasama ay isang katulong ay nawala ang lungkot ng dalagita. Ang kanyang “puppy love” na minahal niya nang taos na nagtaksil sa kanya ay bigla niyang nakalimutan. Isang istorya na isang araw ang ikukuwento kay Melba ng kanyang Lola. Ang istorya ay puno ng aral.


Noon napag-isip-isip ni Melba na kahit biyuda ang kanyang Lola Isay ay ito ang gumagawa ng “saya” sa kanyang buhay. Isinasama si Melba ng kanyang Lola sa mga dinadalaw nitong mga batang ulila, kabataang nalihis ang landas na pawang drug-addict at matatanda na nasa isang government institution.


Noon nalaman ni Melba na tayo ang nagpapasaya sa ating buhay.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



ANG AKING LAKAS


No comments:

Post a Comment