Sunday, December 29, 2013

KAMPANYANG ‘OPLAN IWAS PAPUTOK’ PINAIGTING


ANG Oplan Iwas Paputok ay isang multisectoral campaign sa pamumuno ng Department of Health at Philippines National Police (PNP) para sa ligtas na pagsasaya sa pagsalubong ng Bagong Taon sa buong bansa. Sa pamamagitan ng kampanya sa impormasyon at edukasyon katuwang ang mga lokal na sangay ng pamahalaan, media, at mga eskuwelahan, layunin ng kampanya na bigyan ng kaalaman ang mga tao, lalo na ang kabataan, sa posibleng seryosong pinsala na maidudulot ng walang patumangang paggamit ng mga paputok at pagpapaputok ng baril.



Nire-regulate ng Republic Act 7183 ang pagpapabrika at pagbebenta ng mga paputok at pyrotechnics upang matiyak na hindi makararating sa merkado ang mga ipinagbabawal na produkto. Sa bisperas ng Bagong Taon, hinihikayat ng DOH ang mga nagsasaya na huwag nang gumamit ng paputok, kundi ibang bagay na lumilikha rin ng ingay gaya ng busina ng kotse, mga lata, kaldero, at kawali, at musika mula sa radyo. Huwag pulutin ang mga gamit nang paputok. Kung hindi maiiwasan ang paggamit ng mga paputok, kailangang maghugas ng kamay pagkatapos gumamit. Sa mga pinsalang dulot ng paputok, kailangang dalhin agad ang biktima sa health center upang maiwasan ang tetanus. Iwasan rin ang pagpapaputok ng baril.


Nagsasagawa ang PNP ng mga fireworks training seminar kapwa para sa mga nagpapabrika at gumagamit ng mga paputok. Pinapayuhan ng Bureau of Fire Protection ang publiko na istriktong iobserba ang mga hakbang upang maiwasan ang sunog sa bahay. Ang fireworks display ng mga komunidad ay dapat na isagawa ng mga eksperto at ilagay sa mga ligtas na lugar. Sinelyuhan ng PNP ang mga dulo ng baril upang maiwasan ang walang pakundangang pagpapaputok ng service firearms ng mga kasapi ng PNP at ng mga kaugnay na ahensiya.


Sinusuportahan ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang kampanya. Nananawagan ang Department of Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng mga lugar para sa fireworks display. Ang mga police at fire agencies katuwang ang Department of Trade and Industry ay iniinspeksiyon ang mga pabrika ng firecracker at pyrotechnic factories. Ang Metroplolitan Manila Development Authority at ang League of Municipalities of the Philippines ay nagsasagawa ng text blast campaign. Hinaharang naman ng Bureau of Customs ang pagdagsa at pagbebenta ng mga illegal na inangkat na paputok.


Ang Manila Bulletin ay binabati ang Department of Health sa pamumuno ni Secretary Dr. Enrique T. Ona, Philippine National Police Chief Director-General Alan LM Purisima, at iba pang mga Opisyal at Kawanihan, sa kanilang sama-samang pagsisikap sa pagpapakilos sa pambansa at lokal na pamahalaan, ang media, mga komunidad, mga magulang, at mga eskuwelahan sa paglalatag ng precautionary at safety measure sa paggamit ng mga firecrackers at pyrotechnics sa pagsalubong sa 2014 sa ating Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KAMPANYANG ‘OPLAN IWAS PAPUTOK’ PINAIGTING


No comments:

Post a Comment