Disyembre 30, 1066 nang marahas na salakayin ng isang grupo ng mga Muslim ang royal palace sa Granada, Spain, at pinatay ang karamihan ng Jewish sa lungsod, kabilang ang Jewish vizier na si Joseph ibn Naghrela (1035-1066). Nang panahong iyon, ang Granada ay nasa ilalim ng al-Andalus na pinamumunuan ng mga Muslim.
Ayon sa 1906 Jewish Encyclopedia, “more than 1,500 Jewish families, numbering 4,000 persons, fell in one day,” idinagdag na si Naghela “controlled” ang Hari at “surrounded him with spies.”
Naniniwala ang ilan na ang mga pagpatay ay bunsod ng tsismis na pinaplano ni Naghrela ang pagpatay sa Muslim king. Gayunman, ang insidente ay bunga ng sulsol ng mga mangangaral na Muslim na galit sa impluwensiyang pulitikal ng mga Hudyo sa Granada. Si Naghrela ang panganay na lalaki ni Rabbi Sh’murl ha-Nagid.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment