PORTLAND, Ore. (AP) – Sa pagkawala ni LeBron James dahil sa injury, si Chris Bosh ang humalili para sa Miami Heat.
Nagbuhos si Bosh ng seasonhigh na 37 puntos, kabilang ang go-ahead 3-pointer sa huling 0.5 segundo, upang talunin ng Heat ang Portland Trail Blazers kahapon.
Idinagdag ni Bosh ang 10 rebound upang ibigay sa Portland ang kanila lamang ikatlong pagkatalo sa sariling bakuran ngayong season.
Umiskor si Wesley Matthews ng 23 puntos para sa Portland na napanalunan ang pito sa kanilang huling walong laro.
Na-injure ni James ang kanyang right groin at napilay naman ang kanyang kaliwang bukungbukong sa 108-103 na pagkatalo sa overtime laban sa Sacramento noong Biyernes na pumutol sa six-game winning streak ng Miami. Nanatili siya sa laro at nagtapos na may 33 puntos, walong rebounds at walong assists.
Nag-warmup ang four-time NBA MVP bago ang laro, ngunit idineklarang inactive isang oras bago ang tipoff. Si Michael Beasley ang pumalit sa kanya.
Tinanganan ng Blazers ang 94-91 na kalamangan sa kalagitnang ng final quarter, ngunit naitabla ito sa 96 nang maipasok ni Bosh ang isang 3-pointer. Isa pang tres ang kanyang ipinukol na nagpatayo sa mga manlalaro ng Heat – kabilang si James, na nasa bench at nakuha ng Miami ang 101-98 na abante, may 2:03 natitira.
Isang layup ni LaMarcus Aldrudge ang nagtapyas dito sa 103-102 sa huling 1:08 bago naipasok ni Nicolas Batum lahat ng kanyang free throws nang siya ay ma-foul ni Dwyane Wade mula sa arko.
Nakapag-dunk si Wade upang pantayin ang bilang sa 105 sa nalalabing 26 segundo, ngunit nafoul si Batum sa huling 7.7 segundo at muling naibuslo ang kanyang mga free throw. Sa sumunod na play, naiset up si Bosh para sa isang 3-pointer nang mag-drive si Wade at ipasa sa kanya ang bola mula sa 3-point range.
Hindi rin naglaro para sa two-time defending champions si Chris Andersen (sore back), ngunit nagbalik naman sa lineup sina Ray Allen at Wade, na kapwa hindi nakapaglaro para sa koponan laban sa Kings.
Resulta ng ibang laro:
Boston 103, Cleveland 100
Indiana 105, Brooklyn 91
Toronto 115, NY Knicks 100
Washington 106, Detroit 82
Atlanta 118, Charlotte 116 (OT)
Dallas 105, Chicago 83
Houston 107, New Orleans 98
Memphis 120, Denver 99
Minnesota 117, Milwaukee 95
Phoenix 115, Philadelphia 101
LA Clippers 98, Utah 90
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment