Sunday, December 29, 2013

Azarenka, tinalo si Williams sa Thailand

Victoria Azarenka


HUA HIN, Thailand (AP) – Tinalo ni Victoria Azarenka ang top-ranked na si Serena Williams sa straight sets kamakailan sa isang exhibition match sa pagitan ng top two women players ng mundo.


Nanaig ang second-ranked na si Azarenka kontra Williams, 7-5, 6-3, sa harap ng may 3,000 fans sa Hua Hin World Tennis Invitation sa laban na ginamit ng dalawang player bilang warm-up para sa Australian Open.



Nag-break si Azarenka para sa 6-5 abante sa unang set at dalawang beses ding nag-break sa ikalawang set para sa kanyang ikalawang panalo sa exhibition event matapos magwagi noong 2011.


Tinalo ni Williams si Azarenka sa U.S. Open final nitong taon.


Sinabi ng American na ang nasabing laban ay ‘’a good warm-up before Australia. Victoria is a strong player. It’s always fun to play someone like her.’’


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Azarenka, tinalo si Williams sa Thailand


No comments:

Post a Comment