Mamimigay ng food packs na pang-Media Noche ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga survivor ng super typhoon ‘Yolanda’ sa Visayas.
Sa inilabas na report ng DSWD, inihahanda na nila ang mga food pack para maipamahagi sa libulibong pamilyang aapektuhan ng kalamidad sa lugar.
Ang food packs ay kinabibilangan ng spaghetti, condensed milk, fruit cocktail at iba pa.
Bukod sa Visayas, makikinabang din sa mga Media Noche pack ang Southern Luzon, na kabilang din sa hinagupit ng bagyo noong Nobyembre 8, na ikinasawi ng mahigit 6,000 katao.
Nilinaw pa ng DSWD na patuloy pa rin ang pamimigay ng kagawaran ng relief goods sa Visayas.
Batay sa huling impormasyon, halos aabot na sa 3,500,000 pamilya ang naapektuhan ng naturang kalamidad. – Rommel P. Tabbad
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment