Sunday, December 29, 2013

‘Shooting stars’ matatanaw sa Enero 1-7—PAGASA

Ni Ellalyn B. De Vera


Magsisimula ang Bagong Taon sa nakaaaliw na “shooting stars” mula sa maliwanag na Quadrantid meteor sa kalangitan para sa mga Pinoy.


Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Acting Administrator Dr. Vicente Malano, magiging aktibo ang taunang Quandrantid meteor shower mula Enero 1 hanggang Enero 7.



Pinakamagandang obserbahan ang meteor shower mula Enero 3 hanggang 4, na ang mga meteor o “falling stars” ay makikita sa buhos ng hindi baba sa 40 meteors per hour.


Ang meteor shower ay magandang tanawin sa dis oras ng gabi sa mga nabanggit na araw.


Liliwanag ang shower mula sa constellation ng Bootes, na nasa ilalim ng Big Dipper sa hilagang-silangan ng himpapawid.

Tatama sa Earth atmosphere ang Quadrantid sa bilis na 40 kilometro kada segundo.


Sinabi rin ng PAGASA na ang Venus ay matatagpuang mababa sa west southwestern horizon matapos ang takipsilim sa Enero 1. Ito ay bababa sa kalangitan habang lumilipas ang araw at hindi na masisilayan matapos ang unang linggo ng Enero.


Subalit muling magpapakita ang Venus sa kalangitan tuwing umaga sa huling linggo ng Enero.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Shooting stars’ matatanaw sa Enero 1-7—PAGASA


No comments:

Post a Comment