Monday, December 30, 2013

Britney Spears, gustong magbalik-pelikula

SINIMULAN ngayong linggo ni Britney Spears ang serye ng kanyang pagtatanghal sa Las Vegas, ngunit hindi lang musika ang nasa isip ng pop princess.


Sinabi ni Britney sa E! Online na nais niyang muling gumawa ng pelikula.



“I would love to act,” sabi ni Britney. “I would love to do movies. If it was the right part, it would be really cool… I love funny movies.”


Kabilang sa mga paboritong pelikula ni Britney ang We’re the Millers nina Jennifer Aniston at Jason Sudeikis at nang 2011 megahit na Bridesmaids.


“I also love Jennifer Lopez movies aniya. “I love Jennifer Lopez.”


Totoong marami nang nabentang record si Britney, ngunit hindi ganoon kaganda ang kanyang acting career. Kabituin niya sina Taryn Manning at Zoe Saldana sa Crossroads noong 2002, at nag-guest din siya sa mga TV sitcom na Will & Grace at How I Met Your Mother.


Pagkatapos ng apat na Britney Spears: Piece of Me shows sa Planet Hollywood Resort & Casino ngayong weekend, isang buwang magpapahinga si Britney bago magbalik sa katapusan ng Enero.


Pero inamin din ng 32-anyos na superstar na pinag-iisipan na niyang magretiro at magbalik sa pamumuhay nang simple sa

kanyang bayan sa Louisiana.


“I have thought about it, but I think right now is my time to perform and doing what I’m doing,” sabi ni Britney. “If

I happen to have another baby or something like that, I’d probably move back to Louisiana. I do miss Louisiana. I miss the people. I miss the food. I miss the way of life, how everything is really simple. There’s no traffic like there is in L.A. It’s

really nice.” – E! Online


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Britney Spears, gustong magbalik-pelikula


No comments:

Post a Comment