Tuesday, December 31, 2013

Money ban ng Comelec, kinatigan ng SC

Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng money ban na ipinatupad ng Commission on Elections noong May 2013 midterm elections.


Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Arturo Brion, idineklara ng Court En Banc na moot and academic na ang kasong inihain ng Bankers Association of the Philippines na kumukwestiyon sa constitutionality ng Comelec Resolution 9688 na may petsang May 7, 2013.



Sa nasabing resolusyon, ipinagbawal ng Comelec ang pagwiwithdraw ng mahigit P100,000 sa bangko, at ang pagdadala ng mahigit P500,000 cash mula May 8 hanggang May 13, 2013 para mapigilan ang vote-buying.


Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ang kapangyarihan ng korte na magsagawa ng judicial review ay limitado sa mga aktwal na kaso o kontrobersiya.


Pero dahil naapektuhan ang kaso ng money ban ng mga tinatawag na supervening events, ito ay maituturing nang moot and academic at hindi na kailangan pang sumailalim sa judicial review.


Ayon sa mga petitioner, nilabag ng money ban resolution ang rights to due process ng isang indibidwal dahil sa hindi makatuwirang paghihigpit sa pagwithdraw at pagdadala ng pera, na nakakaapekto naman sa mga lehitimong aktibidad. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Money ban ng Comelec, kinatigan ng SC


No comments:

Post a Comment